Friday, October 1, 2010

meeting my idol ANN LI:)

september 29, 2010

pumunta si veron dito samin nung umaga..sinamahan niya ko sa national para kunin yung form 137 ko..
but sad,wala raw ang principal.edi yun,dumiretso kami sakanila..siya naman sinamahan..friday rin pwedeng makuha yung form 137 niya.

diretso kami ABS para magbayad dun sa run for pasig sa 101010 and para iclaim yung prize ko sa ASAP..unfortunately, hindi ko siya macclaim kasi wala akong valid ID..ang valid ID nila with validity date..nakakapanlulumo..ampft

badtrip na kami ni veron..wala pang nangyayaring maganda samin..tapos ayun.buti na lang nakapagbayad kami sa 101010..kaso nga lang, 250 na siya imbis na 100.kasi tapos na yung due date ng pagbabayad ng 100..ubos pera men!

mga 2 pala nasa ABS na kami.

hinihintay namin si kuya fitzch kasi ipapakilala niya kami kay ANN!OMG!si ANN talaga..ayy grabe..kaso nagmamadali na siya kasi may workshop na siya ng 6..pero grabe..ang friendly niya sobra..as in.katuwa siya:))

nakita ko rin pala sina bret,ryan,joe,mariel,fretzie and becca:))

nameet rin namin si ate brook ang P.a. ni ann..and sina ate mily,kaycee and tita emy..mga poppers

bukas October 2, 2010 pupunta kami sa mall show ni ann..nandun si ivan!:))..haha..

OCTOBER 1, 2010 pala ngayon..HAPPY BIRTHDAY KUYA!!!!RAUL BARTOLO MILALLOS JR!!:)

Sunday, August 15, 2010

walang tulugan

august 16, 2010 2:09 p.m.(monday

august 12, 2010(thursday) HAPPY BIRTHDAY TATAY:)

.pumunta kaming trinoma nila mainne,jonah,veron,fatima,jet,ronald and kuya(raul). in short, ang mga kagroup ko sa HEKAPI..pumunta kami dun para dun sa group project namin..and take note, first time ko dun!hahah.ayun, sa harap mukha siyang glorietta pero sa loob market!market! ang dating..combination..sabagay, same silang ayala malls.hmm. naunang umuwi sina kuya and jeth..nagpaiwan kami kasi magpapasama pa ko sakanila sa pagbili ng gift para kay father..nung naghihintay kami kina mainne, nakita namin si arnel pineda..normal na tao lang..hindi naman pogi..kung anung nakikita mo sa TV ganun din sa personal..

4:30, hanap pa rin kami ng hanap ng gift.. at wala pa rin akong makita..hanggang sa umabot na ng 6 ng gabi..at nakita namin yung flashlight..bagay nga naman sa job ni tatay..security guard siya..at ayun,binili ko na..6:30 na kami umalis dun..at dahil sa sobrang traffic sa ayala at skyway, 8:30 na ko nakauwi.

august 14, 2010

ang agang dumating ng tren,and ang agang nakapasok..close kami nung umaga ni ma'am..nakwento niya na ata whole life story niya sakin.haha:)).tapos ayun, PE time..ang saya..nanalo kami sa volleyball..wew, first time yun..hahha..and first time din na pumasok ang mga services namin..marunong naman kami ng volleyball..kaya naman naming magreceive..basta..service lang talaga ang problema..pero  ayun,tuwang tuwa kami kasi nanalo kami.. on the other hand, hindi kami masyadong nag-enjoy..walang kathrill thrill..walang challenge..puro service lang ang nagpanalo samin.,(hindi ako nagmamayabang) pero yun ang totoo..gusto namin next time,may balikan na ng bolang magaganap..:))

nung tanghali, napagdesisyunan naming pumunta kina mainne para gumawa at magreview ng diff.calculus..dapat kasama sina veron and jonah,kaso si veron masama daw ang pakiramdam..tapos si jonah naman hindi nakahabol,pumunta pa kasi siya sa papa niya na nasa may marikina para humingi ng pera..kaya si tay(vince) ang kasama namin..

pumunta muna sina mainne and nald sa rector para bumili ng book so, ayun,text text na lang ang usapan..kaya kami nila tay, and fatima..kina fatima muna pumunta..on the way kina fatima..nagstrike sa isip ko tong mga katagang to..siguro kasi..naeexperience ko..(drama..ampft):DD

"ang bawat sinasambit na ngiti ay may kalakip na pighati"
"kailangang lagyan ng limitasyon ang isang panaginip na ambisyon"

wag na lang pansinin:))..hahah

at ayun.na nga nagtxt si mainne,nandun na daw sila sakanila..tapos pumunta na kami..tatlong beses pa kaming naligaw..kasi nakalimutan ko yung daan..hahah..pero thank GOD nakarating pa rin kami..natapos namin yung assignment namin..ay este,hindi pala:))..wala kaming sagot sa 17 and 25..kaya sinabi namin sa ibang tuwan na wag na ring sagutan..kasi si vince and nald hindi rin nila alam kung pano:)),,ayun,8 na ko nakauwi..at nakatulog pa ko ng bukas ang laptop..:)

august 16, 2010 3:58 am

ito,gising pa rin ako..hindi na ko nakatulog..tapos na kong magreview sa calculus..english na lang..magbabasa lang..and malamang sa school na talaga ang review para dito..ge.'til here..byyiiieehh:))

Thursday, August 5, 2010

Craziness

August 5, 2010 (thursday)

Differential Calculus and psychology yung mga class ko today..
well, ayun daily routine..gising ng 4:30 alis ng bahay ng 5:40..pagkain ng breakfast 5 minutes lang sakin yan:).. by the way, sira pala yung 3 tren ng PNR kaya abnormal yung sched nung train kaya nagdadasal ako nung papunta pa lang ako dun na sana may tren..

lakad lakad sa parking lot ng starmall habang nakafingers crossed..nagdadasal..bago makarating sa station.. and yes!may tren!haha..ang SAYA!as in!:))..and take note, first time kong sumakay dun sa bago ng 6:05 ng hindi puno..ang dami pang vacant na pwedeng upuan..wala kang makikitang nakatayo sa side ng girls:)

dumadaan ng sucat,at bicutan..(syempre kasama sa station yun ee,,ROFL)..nadagdagan ang pasaheroat malamang sa higit may sumakay na senior..hindi na maiiwasan yun..syempre, ito ako..pinaupo ko si lola.(nasanay na ata akong nakatayo at pinapaupo yung matatanda).sabi pa ni lola sakin "ako na magdadala ng gamit mo".syempre nahiya ako (akalain mong meron ako nun)..hindi ko pinadala..

dumaan ng FTI,hinihintay kong may pumasok na patty..aba'y wala man lang akong nakita kahit isang hibla ng buhok ni soriao..baka nalate ng gising..2nd trip yun sasakay for sure..at hindi nga ako nagkamali..

nichols, EDSA,pasay road,Buendia..si krezia na sasakay...at yes,nandun siya..nakatayo ako sa gitna tapos si krezia nasa unahan..pero pagtumingin siya sa left side niya makikita niya ko..hinihintay kong tumingin..tiningnan ko lang siya.pero dumating na't lahat sa sta.mesa, hindi man lang lumingon..edi nagmamadali akong bumaba..hinihintay naman niya ko..kwentuhan kami bout sa news, yun nga daw snake gang na nasa news malapit lang daw sa kanila..basta marami pa kaming pinagusapan nakalimots ko na.haha

dumating kami sa room ng 7:10..wala pa si berico'y (syempre hindi pa naman time ee)..dumating si pat ng 7:30..second trip nga daw siya

8am..dumating si prof..may 6 na daw siyang nacheckan at isa lang daw ang pasado at si robin yun..edi ito na naman ako ,fingers crossed na sana hindi ako kasali dun sa mga nacheckan niya na.and thank GOD hindi nga ko kasama:))..ayun,lecture si sir,,etsetera,,etsetera:)

9Am dismiss na calc..vanity strikes again..picture picture mode na naman,.pero kami nila mainne and jonah..bumaba para bumili..sina veron kasi gumagawa pa ng psych..hindi talaga kami bibili ni jonah,.. si jonah daw kasi busog pa..e ako,nagtitipid and ayaw ko talaga kumain..pero ayun napilitan kaming bumili ng mami..
gusto ko sanang sa taas kumain kasi yung kakainan namin nasa daan and malapit sa kanal,,(maarte na kung maarte,pero ayoko talagang kumain sa maduming lugar)..pero ayun,napilitan naman dahil kay mainne..since ayoko talagang kumain dun,binilisan ko pagkain ko..hinintay matapos yung dalawa after 10 minutes..
hindi pa busog yung dalawa..bumili pa ulit,,edi ako,ito namburaot nalang..haahah...pagdating pa namin sa volleyball court,may siopao pa sina veron..edi busog ako..hahahaha..

10:30 psych na..wew si mam pavon na..check lang ng check.parang ewan lang..tapos pinaghiwalay niya pa yung summary sa assessment e sinabi niya lang nung last meeting na magkasama..haii kaloka..hahha..tawanan na nga lang.."may quesTUNE pa ba kayo?"..hahahha..tinawag ako ni pat dahil dito..edi tawa ko ng tawa....pero si veron na katabi ko na napangiti lang e siya pang nasita..hahah..favorite e.:))pati si pat napagdiskitahan..edi nabadtrip tuloy si pat.

pagkatapos ng nakakalokong psych..diretso uwi..at pagkauwi ko gn 3pm..natulog ako ng 3:30 at nagising ako ng 5pm..tapos OL na..pagdating ng 9pm rewrite ng notes..11pm review,,

at ito 1:12 am na..gising pa ko..insomnia..haist.may binasa pa rin kasi ko..pero sige..matutulog na ko,,
BYIIIIEEEEHHHH


Wednesday, August 4, 2010

PNR

August 2, 2010(monday)HAPPY 18th BIRTHDAY JONATHAN!:)

7:30 time ko this day. at ayon, gumising ako ng 4:30.umalis ako sa bahay namin ng 5:40 kasi 6:05 ang dating ng tren sa alabang..
5:55 nasa alabang na ko. mapayapang naglalakad, hanggang sa makita ko na nagtatakbuhan na ang mga taong katulad ko ay papunta sa tren station. edi ako, nakitakbo na rin. may nakita pa kong palabas ng station, so ibig sabihin dumating na nga yung tren.edi mas binilisin ko ang takbo,baka maiwan ee..:).

nakasakay naman ako ng tren.and as usual, super puno ang tren..sumakay si pat sa FTI station and si krezia sa pasay road..nakarating kami sa school ng 7..kwentuhan,chikahan yan ang gawain namin bago makarating sa room na nasa forth floor pa.

quiz namin ngayon sa diff. calc kahit na nagreview ko,may mga questions pa rin na hindi ako sure sa sagot ko.natapos ang diff. cal.. sumunod ang hekapi,as always,get 1/4 sheet of pad paper topic:manuel l. quezon and francisco balagtas..swerte, report ko sa phil.lit si balagtas.. at ayun, pinasa na..nagdiscuss si sir. at ayun, physically present but mentally absent ako.ang gulo kasi niya magturo..para sakin:)..pero kahit papano naman nakikinig ako.. natapos ang hekapi sumunod ang jijimon ay este english pala..3 hours na naman ng hell.:)..boredom kills me in this subject..thanks kay jeth,favorite siya ni sir..hahha..natatawa na lang ako..:)..tumingin ako sa watch ko, i thought it was 5pm already..but NO, 4 pm pa lang..WHAT?!..naisip ko na lang..isang oras pa lang ang nakakalipas..2 hours pa..what the heck..haha..patience is a virtue sa subject na to..kaya ang ginawa namin ni abby,lumabas kami,2 beses kaming lumabas para tumambay at bumili..hindi kasi kami pwedeng matulog nasa unahan kami hindi kagaya nung iba.swerte ng nasa likod,kung pwede lang magpapalit ng surname pagEnglish..matagal ko ng ginawa..:))..

5pm.."okay class, we will continue our discussion next monday" sabi ni sir..OYE!dismiss na..haha..super happy naming lahat as in..

5:30 nasa room na kami ng M.E subject namin sa first floor..itong veron medyo umiiyak sa sama ng pakiramdam..kami nila mainne, jonah, and fatima ang ginawa para umayos ang pakiramdam ni veron, nagwala kami..kumanta ng wala sa tono.as in yung sabog..hahaha..ang ingay namin..ganyan kami mangtrip para umayos ang pakiramdam nung isa.at ayun,ngumiti naman kahit papano.

6:30..30 minutes ng late yung prof namin, nagannounce na yung president namin na dismiss na..naalala kong may tren pa ng 6:40.kami nila krezia and pat gustong habulin yung tren. hindi sumama si veron kasi maglLRT siya.AMAZING RACE kaming tatlo as in, tinakbo namin mula CEA hanggang sa station. takbo kung takbo,naiwan namin si anj pero nakahabol siya kasi nagtrike sila..pagdating namin dun super dami ng tao as in doble ng dami ng tao pagumaga..sabagay, last trip ee..

7pm dumating ang tren, and men!luma!ampft..tapos siksikan pa..carry yan..bahala na si batman..nasiksik kami sa loob..ang init as in.sobra!bumaba si krezia sa pasay road.pagbaba niya,bigla ba namang pumunta sa tapat ng bintana kung nasan kami..at nageskandalo..hahah,,tawa kami ng tawa ang sakit ng tiyan namin kakatawa..that time, 7:45 na..e kung yung bago yun dapat nasa alabang na ko..may nakaaway pa kami sa EDSA,hindi naman talaga away,nabadtrip ata samin kahit wala kaming ginagawa..sinabihan lang naman siya ni anj na badtrip siya(yung mga nakalipas na oras, nagkwekwentuhan lang kami ni anj about sa buhay buhay namin:))..ang mata ni ate samin grabe para kaming lalamunin..hhaha..at syempre hindi nagpatalo si pat,nakipagtitigan sakanya at ayun.talo siya..haha..

8:00pm nasa nichols na after that FTI na,,baba na sila pat and anj..pero bago sila makababa ang usad ng tren parang pagong..as in,may nakikita kami sa SLEX na mga bike na dumadaan naunahan pa yung tren,nagiisip ako kung baba na rin ako sa FTI kung ganun pa rin kabagal yung tren,.

9pm na dumating sa FTI yung tren,grabe di ba?!:).hindi na ko bumaba kasi feeling ko magiging mabilis na yung pagtakbo after dun since konti na lang yung pasahero.and ayun tama ako..pero bago umalis ang tren sa FTI station,sina pat and anj, nagwala din..hahhaha..pagkababa nila,nagsisigaw yung dalawa,,tinawag ako ng tinawag..sumulat daw ako..hahhahah.basta ayun..tawa talaga ako ng tawa..as in SOBRA!hahhahaha..

9:15 nasa sucat na,so estimated time ko 9:20 nasa alabang na ko..pero NO!nagover take pa yung bagong tren and ayun,another 15 minutes pa ang hinintay ko..9:35 na ko nakarating sa alabang at naisip kong 2:30 hours ang naging biyahe ko na imbis na one hour lang kung nag AB liner ako..pero ayos lang, nakatipid naman ako..

10pm na ko ng nakarating samin and ayun,pagkatapos kumain,tulog kagad..:))


August 3,2010(tuesday) HAPPY 18TH BIRTHDAY ANJ!

pwede ng mag-asawa..hahha:)

okay...haggard mode tong araw na to:))

10:30 pa pasok ko..kaya gumising ako ng 7:30..well, 9am nasa tren station na ko,and pagdating ko..walang tao,as in..sobra/over!

buti na lang may mga kasabay akong nakarating dun at nagtanong ako dun sa isang babae kung anung sabi nung tindera nung ticket..wala daw tren and baka daw sa hapon pa magresume..yun ang sabi niya..OH MAY!10:30 ang pasok ko..and ayun,no choice ako kung hindi magbus,.yung pinagtanungan kong girl, taga PUP din and freshmen siya,,hindi daw siya sanay magbus kaya sumabay siya sakin..

and ayun 10 dumating na kami sa boni..and thank God 10:30 ako nakarating sa room and wala pa si ma'am..sobrang haggard as in..at ayun,hanggang sa matapos ang physics..ang init!!!sobra..galing pa ko sa marathon/hhahah

12:30..gusto ko ng umuwi..umaatake gastroenteritis ko..:(( and wala akong dalang gamot..and pati si veron inaatake ng sakit niya..mababait kasi kaming bata ..masarap ang bawal..haha

1:30 dumating si ma'am and sabi samin,magcheck lang daw kami..hahhaha..at may meeting daw siya.so alam na..UWIAN NA!ang saya..pero 3:20 pa yung tren,kaya hintay saglit..3pm kami pumunta sa train station at ayun,may stick-O kami kay anj!hahaha..at ayun..umuwi na ko..


AUGUST 4,2010 (wednesday)HAPPY 17TH BIRTHDAY ARMIE!

miss you so much meh:(..love you!

Wala kong pasok,wednesday ee:)..11am na ko nagising..hahhaha..:)).

2pm nagstart na kong gumawa ng psych pero 9pm ko siya natapos..ang saya..hhah..katamad kasi:)

and ayun, ngayon ay 11:11 pm na..pero gising pa ko:))
may babasahin pa ko..geh..byiieehhh:))

Friday, July 30, 2010

first time

friday..physics and cworks ang subject ko..past 12 na ko nakatulog kagabi..at ayun,bangag ako.almost 1 week na kong walang complete rest..ewan ba.sanay na kong matulog ng madaling araw siguro dahil na rin sa dami ng iniisip ko..

6 am...may narinig ako "tita,tita,gising na"sabi ng mga pamangkin ko na kakarating lang din galing sa bahay nila.inihatid kasi sila ng ate ko dito sa bahay namin para alagaan ng nanay ko. "mamaya na" sagot ko naman sakanila..ngunit,imbis na tumigil.lalo pa silang nangulit..at ayon,hindi ko nalang pinansin at natulog na ulit ako.

7 am

*RRRRRRIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGGGG*

nag-alarm na ang phone ko..oras na para gumising..pero sa halip na bumangon, nireset ko ang alarm at natulog pa ng ilang minuto..after 15 minutes,

*RRRRRRIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGGGG*

muli na namang nag-alarm ang phone ko at syempre gumising na ko may klase pa kasi ko ng 10:30..

past 8,dumating tatay ko..at sakto kakain na lang ako ng breakfast at aalis na ko.pero bago ako makaalis, nag-away pa kami ng nanay ko dahil sa mga simpleng bagay na hindi naman dapat pinapalaki pa.

umalis ako ng bahay na nagpaalam lang sa tatay ko.

nagmamadali na ko, 9:05 kasi ang dating ng train sa alabang station.pero,8:45 nasamin pa ko. nagtricycle ako, na hindi ko naman talaga ginagawa pagumaalis ako.naglalakad lang kasi ko papuntang labasan lagi.sayang kasi ang 14 php..pero sa panahong katulad nito,kailangan ko na talagang sumakay.

wala ako sa sarili ng sumakay ako sa jeep na papuntang alabang,iniisip ko pa rin kasi yung away namin ni mudra.ilang saglit lang,hindi ko namalayang nasa tapat na ko ng starmall at kailangan ko ng bumaba,pero hindi ko ginawa kasi baka maging sagabal yung jeep sa highway pagbumaba ako kaya bumaba ako dun sa gitna ng starmall.tumatakbo na naglalakad akong bumalik dun sa may "shortcut" papunta sa train station baka kasi maiwanan ako ng tren.and thank God wala pa yung train.5 minutes pa bago mag 9:05..pero lumipas ang sampung minuto at wala pa rin yung train.nanghinayang ako sa 14php..sana pala naglakad na lang ako.nakapagexercise na ko,nakatipid pa ko.

lumipas pa ang ilang minuto wala pa rin yung tren.shocks!kulang pa yung assignment ko sa physics.patience is a virtue, naisip ko na lang.

and after 20 minutes,YES!dumating din ang tren...and as always nakatayo ako..
sucat....bicutan.....FTI at sumakay si pat,classmate ko na ikinatuwa kong makita kasi may kasabay ako sa paglalakad papunta sa building namin..9 stations na lang nasabi ko sa sarili ko...

nagdaan ang nichols,EDSA,pasay road,buendia...sumakay naman si krezia..classmate ko rin at kasabay namin ni pat papuntang CEA.5 stations to go..

10:20...dumating ang tren sa sta.mesa..bumaba na kami at naglalakad papuntang CEA.
nasa fourth floor ang room namin,and ampft!sira ang elevator..pagod na pagod kaming nakarating sa room namin at dumiretso sa paggawa ng assignment..and yes,natapos namin;)

physics..experiment lang..and ayun,may napansin ako..may taong dikit ng dikit sakin na parang linta..napapadalas na to aa.hindi na siya nagdodota at madalas ay nakikisama saming TEAM DEVIANT(team ko) pero syempre may exemption siya,at yun ay ang ex niya.hmm..hindi ko na lang pinansin.nagfocus na lang ako sa pagcompute dun sa experiment namin para mapadali..

matapos ang physics,punta kagad ako kay mainne,at ayun sinabi ko ang napansin ko and sinabi niya na napansin din daw ni nald(oh di ba bongga!magkakaibigan talaga kami..pare-pareho ang nasa isip).

naglunch kami...and naghintay mag 1:30 para sa next subject naming CWORKS..sa mga panahong ito,wala na ko sa mood at ewan ko ba kung bakit..siguro dahil sa "girl thing"..ampft..

wala pa prof namin kaya napagdesisyunan kong icompute yung stairs ng bahay na iniestimate ko kaya ayun,ginawa ko..pero pagpasok ko ng room,narinig ko yung pangalan ko.pinaguusapan pala ako ng TS..tapos may nagsalita,siya yung nagsasalita nung pumasok ako."pagtahimik,nakikinig yan"..nainis ako.pumilanting ang tenga ko sa narinig ko at dahil don,nasira na talaga ang mood ko. kasi naman di ba?!pano ko hindi makikinig kung ako yung pinaguusapan nila.common sense!and matutong makiramdam!.lumabas na lang ako para sa labas gumawa,pero paglabas ko,nainis na naman ako..tumabi kasi ko sa isang tao,napatingin lang ako sa phone niya dahil sa wallpaper,sinabihan ba naman akong chismosa!pero alam ko joke lang yun..pero ewan ko ba nabadtrip ako ee,sunod sunod na pambabadtrip nangyari sakin.pumasok ulit ako sa room,at dahil sa badtrip ako,nagsolve ulit ako..tapos tinawag ako ni raul..

"maan,may chinechekan ka?"tanong niya
sumagot ako ng wala..

"gusto mong magcheck?".
sumagot ako ng pabalang na "Ayoko,wala ako sa mood"..pero hindi pala niya narinig yun.kaya pinatanong niya kay jet..at ayun,same answer..pero hindi pa rin pala niya narinig..nagtanong ulit siya kung ano ang sabi ko kanina..sumagot ako ng mas malakas..at salamat..narinig din niya...

*dahil pala dito SORRY KAY RAUL BARTOLO MILALLOS AT JETHRO GRAGEDA ANGARA. hindi ko sinasadya.SORRY:(

nagpasama ako kay mainne para ipaphotocopy yung stairs details niya..at pagbalik namin nakita namin yung ibang tuwan na nasa labas at dala na nila yung gamit nila..uwian na raw wala si ma'am.edi ayos,natuwa naman ako kahit papano..sinabi sakin ni veron na pinatawag ni kuya PIDISTAL(hahah..ang sama ko) yung mga nagchecheck at may mga sinabing instructions na inexplain sakin ni nald.

at ayun,uwian na:)

pumunta na kami nila patty,krezia, at veron sa train station..and syempre as usual,sumunod si angeli:))..kami nga ang TEAM PNR..hahah

daldalan,kulitan at kung ano ano ang pinaggagawa namin bago dumating sa station..at syempre pagdating sa station..hindi natapos ang chickahan,,:))

sumakay na kami ng train and ang daming tao..(normal yan sa PNR)haha

napagusapan namin yung mga classmates namin..kung sino yung mga kaclose namin at hindi sa room..maingay na naman kami sa tren(lagi naman ee)..hahaha..

at may nalaman ako kay angeli na talaga namang pinandirihan ko(oha!ganyan ako kabait..haha)..

*PAGING MISS ANNA SHARMAINNE CAOILE,,KAPAG NABASA MO TO..TAWAGAN MO KO O KAYA IP.M..SALAMAT

bumaba si krezia sa pasay road,sa EDSA naman si pat at sa FTI na naman si veron and anj..naiwan ako sa tren(lagi naman ee..:)))..

pagbaba ko ng tren,diretso kagad ako sa robinson na nasa loob ng mall na dinadaanan ko para makapunta sa highway..namili ng konting pagkain KO(inuulit ko,akin lang..haha)..nang mabili ko na ang mga dapat kong bilhin,napadaan ako sa stall ng mga tinapay at naalala ko si mudra pati yung mga pamangkin ko.kaya bumili ako ng wheat bread..pang peace offering na rin.

asang asa ako na may matitira pa sa pera ko para sa pamasahe ko sa jeep dahil sa base sa aking computation dun sa total ng mga pinamili ko,may matitira pa saking 9 pesos..e 6php lang naman pamasahe ko sa jeep..edi ayun,pumila na ko para magbayad..tapos nung sinabi nung cashier yung total..kulang ng 5php yung ipangbabayad ko..

OMG..naisip ko na lang..4php na lang matitira sa pera ko..patay tayo dyan..at ayun,4php na nga lang ang natira sakin.

nasa alabang pa ko that time..malayo layo pa bahay namin...pagkalabas na pagkalabas ko ng mall..nag-isip ako kung pano ako makakauwi..naisip kong makihitch sa ROVAL o kaya sa ADMIRAL na bus.naisip ko ring sumakay sa jeep kahit kulang ang pera ko at mag 123 na lang(pero nakonsensya ko).at higit sa lahat naisip kong lakarin mula ALABANG hanggang sa bahay namin,yun na ang last option ko ee..no choice na ko..

bago ko tumawid tiningnan ko muna ang highway kung may dumadaan bang roval o admiral...ayun,meron kaso malayo sakin..hindi ko kayang habulin..kaya ayon,hindi na ko tumawid..nagsimula na kong maglakad..naisip ko na malayo talaga ang alabang hanggang samin.kaya nagwiwish ako na sana makasalubong ko ang tatay ko para makahingi ako ng pamasahe,since alam kong papasok na siya that time..tingin ako ng tingin sa paligid ko,pero hindi ko nakita si father..malas...naglakad ulit ako,,.nagiisip na sana may makita akong kakilala..pero ayun,wala pa rin..

lakad...lakad..lakad....nasa tapat na ko ng PEDHS,nagdadasal ako na sana uwian na ng mga estudyante at makita ko ang kapatid ng bhez ko..ngunit, ayun,hindi ko siya nakita...malas talaga..nawalan na ko ng pag-asa..binilisan ko na ang paglalakad...sobrang init...ang bigat pa ng dala ko..lakad lakad lakad..."sana hindi pa lumubog ang araw"...

lakad..lakad.lakad...inisip ko na lang na ito yung dapat na ipinanlakad ko kanina...nababadtrip ako na natutuwa habang naglalakad ako...ang daming nasa isip ko...nababadtrip ako kasi ang bopols ko at natutuwa naman dahil dagdag XP to..and first time to..:)..

at after 30 minutes na paglalakad...yes!narating ko rin ang bahay namin..

tinanggal ko kagad ang sapatos ko para makapagpahinga ako.sobrang pagod ko,and pawis na pawis at hingal na hingal.tapos kinuwento ko sa nanay ko yung nangyari sakin..sabay bigay nung wheat bread na binili ko(bati na kami);))

sinabi niya na dapat pinatanggal ko nalang yung isang item..kaso hindi ako ganung tao..edi ayon..at nagpahinga na ko ng bongga,,:)))

pero kung tutuusin,wala to sa nilakad namin ni mainne dati,,nilakad namin mula cubao hanggang monumento..(oha!kya niyo yun..hahaha)..ang pinagkaiba lang nito,,mag-isa ako..

*P.S. Napahaba na tong blog ko...GUSTO KO LANG ILABAS YUNG NARARAMDAMAN KO..

at ngayon..okay na ko:))