Friday, July 30, 2010

first time

friday..physics and cworks ang subject ko..past 12 na ko nakatulog kagabi..at ayun,bangag ako.almost 1 week na kong walang complete rest..ewan ba.sanay na kong matulog ng madaling araw siguro dahil na rin sa dami ng iniisip ko..

6 am...may narinig ako "tita,tita,gising na"sabi ng mga pamangkin ko na kakarating lang din galing sa bahay nila.inihatid kasi sila ng ate ko dito sa bahay namin para alagaan ng nanay ko. "mamaya na" sagot ko naman sakanila..ngunit,imbis na tumigil.lalo pa silang nangulit..at ayon,hindi ko nalang pinansin at natulog na ulit ako.

7 am

*RRRRRRIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGGGG*

nag-alarm na ang phone ko..oras na para gumising..pero sa halip na bumangon, nireset ko ang alarm at natulog pa ng ilang minuto..after 15 minutes,

*RRRRRRIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGGGG*

muli na namang nag-alarm ang phone ko at syempre gumising na ko may klase pa kasi ko ng 10:30..

past 8,dumating tatay ko..at sakto kakain na lang ako ng breakfast at aalis na ko.pero bago ako makaalis, nag-away pa kami ng nanay ko dahil sa mga simpleng bagay na hindi naman dapat pinapalaki pa.

umalis ako ng bahay na nagpaalam lang sa tatay ko.

nagmamadali na ko, 9:05 kasi ang dating ng train sa alabang station.pero,8:45 nasamin pa ko. nagtricycle ako, na hindi ko naman talaga ginagawa pagumaalis ako.naglalakad lang kasi ko papuntang labasan lagi.sayang kasi ang 14 php..pero sa panahong katulad nito,kailangan ko na talagang sumakay.

wala ako sa sarili ng sumakay ako sa jeep na papuntang alabang,iniisip ko pa rin kasi yung away namin ni mudra.ilang saglit lang,hindi ko namalayang nasa tapat na ko ng starmall at kailangan ko ng bumaba,pero hindi ko ginawa kasi baka maging sagabal yung jeep sa highway pagbumaba ako kaya bumaba ako dun sa gitna ng starmall.tumatakbo na naglalakad akong bumalik dun sa may "shortcut" papunta sa train station baka kasi maiwanan ako ng tren.and thank God wala pa yung train.5 minutes pa bago mag 9:05..pero lumipas ang sampung minuto at wala pa rin yung train.nanghinayang ako sa 14php..sana pala naglakad na lang ako.nakapagexercise na ko,nakatipid pa ko.

lumipas pa ang ilang minuto wala pa rin yung tren.shocks!kulang pa yung assignment ko sa physics.patience is a virtue, naisip ko na lang.

and after 20 minutes,YES!dumating din ang tren...and as always nakatayo ako..
sucat....bicutan.....FTI at sumakay si pat,classmate ko na ikinatuwa kong makita kasi may kasabay ako sa paglalakad papunta sa building namin..9 stations na lang nasabi ko sa sarili ko...

nagdaan ang nichols,EDSA,pasay road,buendia...sumakay naman si krezia..classmate ko rin at kasabay namin ni pat papuntang CEA.5 stations to go..

10:20...dumating ang tren sa sta.mesa..bumaba na kami at naglalakad papuntang CEA.
nasa fourth floor ang room namin,and ampft!sira ang elevator..pagod na pagod kaming nakarating sa room namin at dumiretso sa paggawa ng assignment..and yes,natapos namin;)

physics..experiment lang..and ayun,may napansin ako..may taong dikit ng dikit sakin na parang linta..napapadalas na to aa.hindi na siya nagdodota at madalas ay nakikisama saming TEAM DEVIANT(team ko) pero syempre may exemption siya,at yun ay ang ex niya.hmm..hindi ko na lang pinansin.nagfocus na lang ako sa pagcompute dun sa experiment namin para mapadali..

matapos ang physics,punta kagad ako kay mainne,at ayun sinabi ko ang napansin ko and sinabi niya na napansin din daw ni nald(oh di ba bongga!magkakaibigan talaga kami..pare-pareho ang nasa isip).

naglunch kami...and naghintay mag 1:30 para sa next subject naming CWORKS..sa mga panahong ito,wala na ko sa mood at ewan ko ba kung bakit..siguro dahil sa "girl thing"..ampft..

wala pa prof namin kaya napagdesisyunan kong icompute yung stairs ng bahay na iniestimate ko kaya ayun,ginawa ko..pero pagpasok ko ng room,narinig ko yung pangalan ko.pinaguusapan pala ako ng TS..tapos may nagsalita,siya yung nagsasalita nung pumasok ako."pagtahimik,nakikinig yan"..nainis ako.pumilanting ang tenga ko sa narinig ko at dahil don,nasira na talaga ang mood ko. kasi naman di ba?!pano ko hindi makikinig kung ako yung pinaguusapan nila.common sense!and matutong makiramdam!.lumabas na lang ako para sa labas gumawa,pero paglabas ko,nainis na naman ako..tumabi kasi ko sa isang tao,napatingin lang ako sa phone niya dahil sa wallpaper,sinabihan ba naman akong chismosa!pero alam ko joke lang yun..pero ewan ko ba nabadtrip ako ee,sunod sunod na pambabadtrip nangyari sakin.pumasok ulit ako sa room,at dahil sa badtrip ako,nagsolve ulit ako..tapos tinawag ako ni raul..

"maan,may chinechekan ka?"tanong niya
sumagot ako ng wala..

"gusto mong magcheck?".
sumagot ako ng pabalang na "Ayoko,wala ako sa mood"..pero hindi pala niya narinig yun.kaya pinatanong niya kay jet..at ayun,same answer..pero hindi pa rin pala niya narinig..nagtanong ulit siya kung ano ang sabi ko kanina..sumagot ako ng mas malakas..at salamat..narinig din niya...

*dahil pala dito SORRY KAY RAUL BARTOLO MILALLOS AT JETHRO GRAGEDA ANGARA. hindi ko sinasadya.SORRY:(

nagpasama ako kay mainne para ipaphotocopy yung stairs details niya..at pagbalik namin nakita namin yung ibang tuwan na nasa labas at dala na nila yung gamit nila..uwian na raw wala si ma'am.edi ayos,natuwa naman ako kahit papano..sinabi sakin ni veron na pinatawag ni kuya PIDISTAL(hahah..ang sama ko) yung mga nagchecheck at may mga sinabing instructions na inexplain sakin ni nald.

at ayun,uwian na:)

pumunta na kami nila patty,krezia, at veron sa train station..and syempre as usual,sumunod si angeli:))..kami nga ang TEAM PNR..hahah

daldalan,kulitan at kung ano ano ang pinaggagawa namin bago dumating sa station..at syempre pagdating sa station..hindi natapos ang chickahan,,:))

sumakay na kami ng train and ang daming tao..(normal yan sa PNR)haha

napagusapan namin yung mga classmates namin..kung sino yung mga kaclose namin at hindi sa room..maingay na naman kami sa tren(lagi naman ee)..hahaha..

at may nalaman ako kay angeli na talaga namang pinandirihan ko(oha!ganyan ako kabait..haha)..

*PAGING MISS ANNA SHARMAINNE CAOILE,,KAPAG NABASA MO TO..TAWAGAN MO KO O KAYA IP.M..SALAMAT

bumaba si krezia sa pasay road,sa EDSA naman si pat at sa FTI na naman si veron and anj..naiwan ako sa tren(lagi naman ee..:)))..

pagbaba ko ng tren,diretso kagad ako sa robinson na nasa loob ng mall na dinadaanan ko para makapunta sa highway..namili ng konting pagkain KO(inuulit ko,akin lang..haha)..nang mabili ko na ang mga dapat kong bilhin,napadaan ako sa stall ng mga tinapay at naalala ko si mudra pati yung mga pamangkin ko.kaya bumili ako ng wheat bread..pang peace offering na rin.

asang asa ako na may matitira pa sa pera ko para sa pamasahe ko sa jeep dahil sa base sa aking computation dun sa total ng mga pinamili ko,may matitira pa saking 9 pesos..e 6php lang naman pamasahe ko sa jeep..edi ayun,pumila na ko para magbayad..tapos nung sinabi nung cashier yung total..kulang ng 5php yung ipangbabayad ko..

OMG..naisip ko na lang..4php na lang matitira sa pera ko..patay tayo dyan..at ayun,4php na nga lang ang natira sakin.

nasa alabang pa ko that time..malayo layo pa bahay namin...pagkalabas na pagkalabas ko ng mall..nag-isip ako kung pano ako makakauwi..naisip kong makihitch sa ROVAL o kaya sa ADMIRAL na bus.naisip ko ring sumakay sa jeep kahit kulang ang pera ko at mag 123 na lang(pero nakonsensya ko).at higit sa lahat naisip kong lakarin mula ALABANG hanggang sa bahay namin,yun na ang last option ko ee..no choice na ko..

bago ko tumawid tiningnan ko muna ang highway kung may dumadaan bang roval o admiral...ayun,meron kaso malayo sakin..hindi ko kayang habulin..kaya ayon,hindi na ko tumawid..nagsimula na kong maglakad..naisip ko na malayo talaga ang alabang hanggang samin.kaya nagwiwish ako na sana makasalubong ko ang tatay ko para makahingi ako ng pamasahe,since alam kong papasok na siya that time..tingin ako ng tingin sa paligid ko,pero hindi ko nakita si father..malas...naglakad ulit ako,,.nagiisip na sana may makita akong kakilala..pero ayun,wala pa rin..

lakad...lakad..lakad....nasa tapat na ko ng PEDHS,nagdadasal ako na sana uwian na ng mga estudyante at makita ko ang kapatid ng bhez ko..ngunit, ayun,hindi ko siya nakita...malas talaga..nawalan na ko ng pag-asa..binilisan ko na ang paglalakad...sobrang init...ang bigat pa ng dala ko..lakad lakad lakad..."sana hindi pa lumubog ang araw"...

lakad..lakad.lakad...inisip ko na lang na ito yung dapat na ipinanlakad ko kanina...nababadtrip ako na natutuwa habang naglalakad ako...ang daming nasa isip ko...nababadtrip ako kasi ang bopols ko at natutuwa naman dahil dagdag XP to..and first time to..:)..

at after 30 minutes na paglalakad...yes!narating ko rin ang bahay namin..

tinanggal ko kagad ang sapatos ko para makapagpahinga ako.sobrang pagod ko,and pawis na pawis at hingal na hingal.tapos kinuwento ko sa nanay ko yung nangyari sakin..sabay bigay nung wheat bread na binili ko(bati na kami);))

sinabi niya na dapat pinatanggal ko nalang yung isang item..kaso hindi ako ganung tao..edi ayon..at nagpahinga na ko ng bongga,,:)))

pero kung tutuusin,wala to sa nilakad namin ni mainne dati,,nilakad namin mula cubao hanggang monumento..(oha!kya niyo yun..hahaha)..ang pinagkaiba lang nito,,mag-isa ako..

*P.S. Napahaba na tong blog ko...GUSTO KO LANG ILABAS YUNG NARARAMDAMAN KO..

at ngayon..okay na ko:))

No comments:

Post a Comment