Differential Calculus and psychology yung mga class ko today..
well, ayun daily routine..gising ng 4:30 alis ng bahay ng 5:40..pagkain ng breakfast 5 minutes lang sakin yan:).. by the way, sira pala yung 3 tren ng PNR kaya abnormal yung sched nung train kaya nagdadasal ako nung papunta pa lang ako dun na sana may tren..
lakad lakad sa parking lot ng starmall habang nakafingers crossed..nagdadasal..bago makarating sa station.. and yes!may tren!haha..ang SAYA!as in!:))..and take note, first time kong sumakay dun sa bago ng 6:05 ng hindi puno..ang dami pang vacant na pwedeng upuan..wala kang makikitang nakatayo sa side ng girls:)
dumadaan ng sucat,at bicutan..(syempre kasama sa station yun ee,,ROFL)..nadagdagan ang pasaheroat malamang sa higit may sumakay na senior..hindi na maiiwasan yun..syempre, ito ako..pinaupo ko si lola.(nasanay na ata akong nakatayo at pinapaupo yung matatanda).sabi pa ni lola sakin "ako na magdadala ng gamit mo".syempre nahiya ako (akalain mong meron ako nun)..hindi ko pinadala..
dumaan ng FTI,hinihintay kong may pumasok na patty..aba'y wala man lang akong nakita kahit isang hibla ng buhok ni soriao..baka nalate ng gising..2nd trip yun sasakay for sure..at hindi nga ako nagkamali..
nichols, EDSA,pasay road,Buendia..si krezia na sasakay...at yes,nandun siya..nakatayo ako sa gitna tapos si krezia nasa unahan..pero pagtumingin siya sa left side niya makikita niya ko..hinihintay kong tumingin..tiningnan ko lang siya.pero dumating na't lahat sa sta.mesa, hindi man lang lumingon..edi nagmamadali akong bumaba..hinihintay naman niya ko..kwentuhan kami bout sa news, yun nga daw snake gang na nasa news malapit lang daw sa kanila..basta marami pa kaming pinagusapan nakalimots ko na.haha
dumating kami sa room ng 7:10..wala pa si berico'y (syempre hindi pa naman time ee)..dumating si pat ng 7:30..second trip nga daw siya
8am..dumating si prof..may 6 na daw siyang nacheckan at isa lang daw ang pasado at si robin yun..edi ito na naman ako ,fingers crossed na sana hindi ako kasali dun sa mga nacheckan niya na.and thank GOD hindi nga ko kasama:))..ayun,lecture si sir,,etsetera,,etsetera:)
9Am dismiss na calc..vanity strikes again..picture picture mode na naman,.pero kami nila mainne and jonah..bumaba para bumili..sina veron kasi gumagawa pa ng psych..hindi talaga kami bibili ni jonah,.. si jonah daw kasi busog pa..e ako,nagtitipid and ayaw ko talaga kumain..pero ayun napilitan kaming bumili ng mami..
gusto ko sanang sa taas kumain kasi yung kakainan namin nasa daan and malapit sa kanal,,(maarte na kung maarte,pero ayoko talagang kumain sa maduming lugar)..pero ayun,napilitan naman dahil kay mainne..since ayoko talagang kumain dun,binilisan ko pagkain ko..hinintay matapos yung dalawa after 10 minutes..
hindi pa busog yung dalawa..bumili pa ulit,,edi ako,ito namburaot nalang..haahah...pagdating pa namin sa volleyball court,may siopao pa sina veron..edi busog ako..hahahaha..
10:30 psych na..wew si mam pavon na..check lang ng check.parang ewan lang..tapos pinaghiwalay niya pa yung summary sa assessment e sinabi niya lang nung last meeting na magkasama..haii kaloka..hahha..tawanan na nga lang.."may quesTUNE pa ba kayo?"..hahahha..tinawag ako ni pat dahil dito..edi tawa ko ng tawa....pero si veron na katabi ko na napangiti lang e siya pang nasita..hahah..favorite e.:))pati si pat napagdiskitahan..edi nabadtrip tuloy si pat.
pagkatapos ng nakakalokong psych..diretso uwi..at pagkauwi ko gn 3pm..natulog ako ng 3:30 at nagising ako ng 5pm..tapos OL na..pagdating ng 9pm rewrite ng notes..11pm review,,
at ito 1:12 am na..gising pa ko..insomnia..haist.may binasa pa rin kasi ko..pero sige..matutulog na ko,,
BYIIIIEEEEHHHH
No comments:
Post a Comment